ISSN ONLINE: 3028-2659

Volume 1 | Issue No. 4 | 2024 | December 2024

The InkSpace Gazette: A Kaleidoscope of Literary Dimensions, a monthly e-magazine published by Visionary Research Association Inc., showcases a diverse array of literary works, research insights, and creative perspectives. Released every month, it continues to provide a platform for visionary voices in the literary and research communities.

Publisher: VISIONARY RESEARCH ASSOCIATION INC.

Address: Visionary Research Association Inc., L&K Building, Purok 5 Pagacpac, Bongabong, Pantukan, Davao de Oro

Email Address: info@visionaryresearchassoc.com

Contact Number: 0976 0555 730

EDITORIAL BOARD

Kei D. Inansugan 

Editor-in-Chief 

Given Mark B. Inansugan 

Illustrator/Editor 

Kethelle I. Sajonia 

Manuscript Editor/Reviewer 

Eric D. Palmerola 

Grammarian/Reviewer


Kamay na Bakal

Jay-Ar A. Di Chosa

“Kamay na Bakal”

ni: Jay-Ar A. Di Chosa


Kumpas, galaw na siyang gumagabay

Taglay ang lakas, iyan ang bakal na kamay

Hawak ang itak, hampas ay hindi sumasablay

Iginugupo mga pangarap na kailanman ay hindi malulumbay


Marami mang balakid, pag-aalala na bumabagabag

Sandata ay sipag at tiyaga na lagi nang nakalatag

Pamilyang nag-aabang sa pag-uwi ay kalakasan

Walang yaman na kahit ang isang hari ay matutumbasan


Sa paglipas ng panahon na siyang nagpatunay

Hindi lamang dunong iyong taglay 

Damang dama ang mga kalyo sa mga kamay

Patunay na ang mga pangarap ay tinutupad nang buong husay


Sa wakas, natapos ang panahon na tila pagong ang bagal

Oras na upang anihin ang mga bunga ng iyong pagpapagal

Abot kamay ang mga pangarap na dati ay parang sugal

Buong pusong itinaya ang tiwala at paniniwala sa Poong Maykapal



AI Naku! Panulat na Walang Kaluluwa:  Isang Huwad na Mesiyas sa Mundo ng Makina’t Makata

Rodney James G. del Castillo


AI Naku! Panulat na Walang Kaluluwa:  Isang Huwad na Mesiyas sa Mundo ng Makina’t Makata


Rodney James G. del Castillo


Sa pagsikat ng bagong milenyo, may makinang na bituin ang nagsumiksik sa kalangitan, isang sanggol na yumakap, hindi sa bisig ng ina, kundi sa mga sirkitri ng mga makina’t mundo ng teknolohiya. Ito ang simula ng isang makinang na paglalakbay ng Artificial Intelligence, na nagsimula sa isang simpleng palayaw: Chatbot at SimSimi, na nagbukas ng pinto sa makabagong posiblidad, kung saan ang teknolohiya ay nag-iisip at nakikipag-usap. Ang pagdating nina NovaAI, Cortana, at ChatGPT ay nagpapahiwatig lamang ng isang delubyong nagdala nang himala, na minsang panaginip ng mga paham at pantas sa wika, isang makakatotohanang nagpabago sa mundo ng elektroniko’t akademiko. 


Tinagurian ang AI na isang modelong pangwika na naging Dakilang Diyos-diyosan sa mundo ng pagsulat. Maraming manunulat, kabilang na ako, ang natuksong sambahin ang kaalaman at kakayahan nitong lumikha ng mga salita kahit walang dila. Akala ko nga’y ito na ang sagot sa lahat ng pangangailangan ng isang manlilikhang makata. Ngunit sa paglipas ng panahon, natuklasan ko ang kamalian ng aking paniniwala. 


Mula sa ating pangongopya ay ‘di  lamang isang kasalanan sa akademya, kundi isang paglabag sa integridad. Isang pagtatangkang linlangin ang mundo na siyang mapagkunwaring matalino. Kahihinatnan nito ay maaaring maging malubha, na ikaw ay mapapahiya at mawawalan ng kredibilidad. Sa kabila dako ng kanyang ‘di matatawarang kakayahan, ay ‘di isang tunay na manunulat ang sumusulat, kundi isang kagamitan lamang, tulad ng martilyong pumupokpok ng karunungan, ngunit ‘di tunay na kamay ang may hawak ng martilyo. Nagpapanday ng mabubulaklak na salita’t parirala, ngunit ‘di nauunawaan ang pagdalumat at komplikasyon ng damdamin ng tunay na nadarama. Tinaguriang isang Huwad na Mesiyas na nangako ng kaligtasan mula sa pagkabigo, ngunit sa huli ay nagdulot lamang ng pagkalito na parang kambing na nagbabalat-kayo sa korderong nakabalot sa mabigat na puting kumot. 


Kaya't bago tayo umasa sa AI, dapat nating tandaan na ang tunay na pagkamalikhain ay nagmumula sa loob natin, na maaaring maging isang katuwang sa paglalakbay, ngunit ‘di maaaring maging kapalit ng sariling mga kakayahan at katalinuhan. Napagtanto kong ang tunay na pagkamalikhain ay parang isang bulalakaw na nag-aapoy sa kaloob-looban ng ating kaluluwa at nagbibigay-buhay sa tunay na salita’t diwa. 


Ang isang dakilang manunulat ay ‘di lang magaling sa paglikha’t pagsulat, sapagkat ito ay tungkol sa pagbabahagi ng makabuluhang karanasan, tunay na damdamin-emosyon, at pananaw sa mundo. Iyon ay isang bagay na ‘di kayang pantayan ng anumang makina’t teknolohiya. Sa huli, tinanong kong muli si AI, Ano nga ba ang kulay ng kalungkutan? Sinagot ng AI, bughaw, ngunit sa aking balintataw, ako’y nakatanaw ng kalungkutan sa kulay pula, mula sa sinag na papalubog ni haring araw, sa nagniningas na dilaw ng isang nalagas na nalalantang  dahon, at isang napakaitim na gabing walang bituin. Kaya AI Naku! dapat na alamin ang kalaliman ng damdamin ng tao. Tandaan na ang tunay na pagkamalikhain ay isang rebelyon, isang pagtatalaban at pagtaliwas sa tinatawag nating limitasyon.

She Guide

Maria Dolyn D. Doromal, Ph.D.


She Guide

Maria Dolyn D. Doromal, Ph.D.


In the college classroom, I reign,

Guiding students through knowledge’s domain,

From atoms to cells, and everything in between,

I ignite young minds with a passion unseen.


With beakers and microscopes, we explore,

The wonders of science, from ceiling to floor,

Experiments and theories we dissect and debate,

As we unravel the mysteries that science creates.


I watch as their curiosity grows,

Their eyes lighting up as new knowledge flows,

I am a guide, a mentor, a teacher with pride,

Helping them navigate the scientific tide.


In the world of academia, I stand tall,

Imparting wisdom and knowledge to all,

My heart swells with joy as I see them succeed,

As future educators, ready to lead.



Golden Sea

Maria Dolyn D. Doromal, Ph.D.


Golden Sea

Maria Dolyn D. Doromal, Ph.D.


As the sun dips low on the horizon

Its golden rays dance upon the sea,

The waves whisper a soothing song

A peaceful serenity envelops me.


In a watercolor sky colors blend

Reflecting in the hushed ocean,

Shades of pink, orange, and blue

Creating a breathtaking view.


Herons glide on the gentle breeze

Their cries adding to the symphony,

Of the waves lapping at the sea

A sight to see, nature’s harmony.


I close my eyes and breathe in deep

Taking in the beauty I perceive,

With sunset in the sea , the peace I found

A moment of serenity that knows no bounds.